Sa April 14 at 15, ipinagdiriwang ang Capiztahan sa probinsya ng Capiz kung saan mayroong food festival na ibinibida ang mga lokal na pagkain, job, agricultural at tourism fair, at isang concert sa Roxas City.
Sa April 15 hanggang 21, ang week-long na tradition sa marinduque na isinasagaw ng anim na munisipalidad sa probinsya ay ang Moriones Festival. Nagkakaroon ng parada ng mga morions, mga nakadamit ng mabibigat na kasuotang pang Romanong sundalo na itinuturing na penitensya ng mga tao.
Sa April 17 hanggang 21 naman ay ang Healing Festival kung saan nagsasama sama ang mga healers at herbalists mula Visayas at Mindanao para magsagawa ng healing sessions sa taunang paggunita ng semana santa sa Siquijor.
Ang mga pistang ito ay hindi lamang puro kasiyahan ngunit nakikiisa rin sa paggunita ng Semana Santa.