Iba’t ibang pista sa Pilipinas ipagdiriwang kasabay ng paggunita sa Semana Santa
Kasabay naman ng pagunita sa semana santa ay ang mga pista sa iba’t ibang lugar sa pilipinas
Sa April 14 at 15, ipinagdiriwang ang Capiztahan sa probinsya ng Capiz kung saan mayroong food festival na ibinibida ang mga lokal na pagkain, job, agricultural at tourism fair, at isang concert sa Roxas City.
Sa April 15 hanggang 21, ang week-long na tradition sa marinduque na isinasagaw ng anim na munisipalidad sa probinsya ay ang Moriones Festival. Nagkakaroon ng parada ng mga morions, mga nakadamit ng mabibigat na kasuotang pang Romanong sundalo na itinuturing na penitensya ng mga tao.
Sa April 17 hanggang 21 naman ay ang Healing Festival kung saan nagsasama sama ang mga healers at herbalists mula Visayas at Mindanao para magsagawa ng healing sessions sa taunang paggunita ng semana santa sa Siquijor.
Ang mga pistang ito ay hindi lamang puro kasiyahan ngunit nakikiisa rin sa paggunita ng Semana Santa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.