Presyo ng langis mananatiling mababa, ayon sa LPGMA
Mananatili umano na mababa ang presyo ng langis sa mga darating na buwan matapos magpasya ang Organization of the Petroleum Exporting Countries o OPEC na panatilihin ang oil production sa ‘high levels.’
Sinabi ni LPGMA PL Rep. Arnel Ty na ang publiko, maging ang mga negosyo at gobyerno ang magbebenepisyo sa reduction o pagbawas sa halaga ng langis.
Sa pagtaya ni Ty, nasa 40 dollars kada bariles ang ibaba sa presyo ng langis, kaya ang deflationary impact nito ay inaasahang magreresulta ng mababang oil rates.
Dahil din aniya sa hakbang ng OPEC, ang global oversupply ay nasa 700,000 hanggang 1.8 million barrels ng langis kada araw.
Bunsod nito, sinabi ni Ty na dahil sa mababang presyo ng langis, mas magagamit ng consumers ang kanilang pera sa iba pang bayarin tulad sa kuryente, pamasahe at sa iba pang bilihin at serbisyo.
Hinimok din ng kongresista ang pamahalaan na gamitin ang panahon na mababa ang presyo ng langis para gumastos na sa infrastructure projects.
Base sa naunang global forecast ng Oxford Economics LTD., ang Pilipinas at ekonomiya nito ang ‘biggest winner’ sa pagsadsad ng oil price.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.