Año: Walang basehan ang pagsama sa Pilipinas sa high-risk countries list ng Estados Unidos
Pinabulaanan ni Interior Secretary Eduardo Año na wala umanong kontretong basehan ang US Department of State sa pagsasama sa Pilipinas sa listahan ng mga high-risk countries.
Kinwestyon ni Año kung bakit nasama ang bansa sa listahan gayong patuloy ang pagbaba ng bilang ng kasong kidnapping nitong mga nakaraang taon.
Aniya pa, listahan lamang umano ito at mayroong datos na nakakapagpakita na bumababa ang ganitong mga insidente sa bansa.
Hindi rin aniya malinaw kung paano nabuo ang listahan na inilabas ng Estados Unidos ngunit mayroon naman aniyang matibay na paninindigan si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaban sa kliminalidad sa buong bansa.
Matatandaang naglabas ng listahan ang US Department of State noong April 9 kung saan kabilang ang Pilipinas sa 35 bansa na mapanganib umanong puntahan dahil mataas ang panganib na madukot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.