Youth leaders, hinamon ang mga poll bets para matugunan ang isyu sa kapaligiran

By Clarize Austria April 13, 2019 - 10:28 PM

Bago ang araw ng eleksyon, nanawagan ang mga lider ng mga kabataan sa mga pulitiko lalo na ang mga tumatakbo na matugunan ang isyu sa kapaligiran.

Ayon sa mga youth leaders, kung gusto ng mga pulitiko ang suporta ng mga kabataan, kailangan muna nilang solusyunan ang isyu sa coal energy, destructive mining at mga plastics.

Ayon kay Rara Ada ng Philippine Movement for Climate Justice, kung kukunsuntihin nila ang mga nang-aabuso sa kapaligiran ay wala silang suportang makukuha.

Nagpaalala din si Madelene De Borja ng Nagkakaisang Iskolar Para sa Pamantasan st Sambayanan (KAISA UP) na ang mga kabataan ay hindi lamang tagapagmana kundi tagapagtanggol din ng mundo.

Hinikayat naman ni Jhay Em Forcado, youth delegate ng Bantay Kita, ang mga kabataan na makiisa sa nalalapit na eleksiyon.

Base sa data ng Commission on Elections, ang mga kabataang may edad na 18 hanggang 35 ay binubuo ng 1/3 na bilang sa 61 million voters sa 2019 midterm elections.

TAGS: 2019 midterm elections, Bantay Kita, coal energy, commission on elections, destructive mining, KAISA UP, Nagkakaisang Iskolar Para sa Pamantasan st Sambayanan, plastics, youth leader, 2019 midterm elections, Bantay Kita, coal energy, commission on elections, destructive mining, KAISA UP, Nagkakaisang Iskolar Para sa Pamantasan st Sambayanan, plastics, youth leader

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.