Water tanker truck, inararo ang dosenang sasakyan sa Zamboanga

By Clarize Austria April 13, 2019 - 10:18 PM

Nawalan ng kontrol ang driver ng water tanker truck at binangga ang isang dosenang sasakyan sa Sitio Suterville, Barangay San Jose Gusu, Zamboanga, Sabado ng umaga.

Dead on the spot ang isang Merilou Sahisa Maujon Tajonera, 29 anyos nang banggain ng water tanker habang nakasakay siya sa kaniyang motorbike at apat naman ang sugatan.

Ang mga sugatan ay sina Vincent Ablay Celestino, Carlo Sumalinog Deceirdo, Master Sergeant Shanard Saharan De Guzman, at Corporal Elvin Limor Laranja Jr.

Ayon sa drayber ng truck na si Ledomar Timpangco Lactao, 28 anyos, papunta sana siya sa lungsod nang hindi gumana ang preno ng sasakyan habang binabagtas ang crossing sa Suterville.

Ang drayber ay nasa kustodiya na ng Zamboanga City Police Station 8 at mahaharap sa kasong isasampa sa kaniya.

TAGS: inararo ng water tanker, nawalan ng preno, Zamboanga City, zamboanga city police, inararo ng water tanker, nawalan ng preno, Zamboanga City, zamboanga city police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.