Isa patay nang mabaril ng kasabwat sa Gandara, Samar
Isa ang patay nang aksidenteng mabaril ng kasabwat nitong mga armadong lalake nang pagpuputukan nila ang mga kabahayan ng mga opisyales ng barangay sa Gandara, Samar, Biyernes ng hapon.
Ayon kay Captain Joselito Tabada, hepe ng Gandara Municipal Police Station, ang namatay na gunman ay kinilalang si Zosimo Casaljay na mayroong warrant of arrest sa kasong pagpatay.
Ayon sa isang pahayag, nakita ng konsehal ng barangay San Antonio na si Mylene Cabagtong ang mga armadong lalake na nagpaputok sa kabahayan nina barangay chairman Ramon Corocoto, Sr., councilor Emilda Calagos, Maria Cailo at isang Arjay.
Natamaan sa paa si Corocoto.
Ayon kay Tabada, ang pamamaril ay pinangungunahan ng isang Edmar Wahingon.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala.
Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang motibo sa pag-atake ng mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.