Sapat na suplay ng kuryente sa holy week tiniyak ng Meralco

Inquirer file photo

Tiniyak ng Meralco sa kanilang mga consumers ang sapat na suplay ng kuryente sa buong panahon ng Semana Santa.

Sa panayam, sinabi ni Meralco spokesman Joe Zaldarriaga na stable ang magiging power reserve ngayong holy week hanggang sa weekend.

Sakaling magkaroon ng kakapusan sa suplay ng kuryente, sinabi ni Zaldarriaga na kasado na ang pakikipag-ugnayan sa kanilang mga partner establishments para sa pagpapatupad ng Interruption Load Program (ILP).

Sa ilalim ng ILP, ang mga establishment tulad ng mga malls ay gagamit ng kanilang sariling generator sets para mabawasan ang load sa Luzon grid.

Samantala, pitong mga lalawigan naman kabilang ang 40 mga lungsod at munisipalidad ang dumas ng power outage noong Huwebes at Biyernes.

Ito ay dahil sa manipis na power reserve sa Luzon grid.

Read more...