Pumalit sa trono ni Melvin Odicta bilang drug lord mamamatay rin ayon kay Duterte

By Den Macaranas April 13, 2019 - 06:34 PM

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamamatay rin ang bagong drug lord sa Western Visayas na pumalit sa napaslang na si Melvin Odicta.

Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bacolod City, sinabi ng pangulo na sasapitin ng bagong drug lord ang nangyari skay Odicta na pinagbabaril ng ilang mga kalalakihan sa Roxas City noong nakalipas na taon.

Gayunman ay hindi muna pinangalanan ng pangulo ang nasabing drug lord.

Ilan sa mga nauna nang pinangalanan ni Duterte na drug lord sa Visayas at Mindanao Region ay sina Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot, dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog at ang mga napatay na sina dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog.

Bago ito ay sinabi rin ng pangulo na mas magiging madugo ang natitirang tatlong taon sa kanyang termino.

Inatasan rin niya ang ilang ahensya ng pamahalaan na pagbutihin pa ang pagtugis at operasyon laban sa mga taong sangkot sa illegal drug trade.

TAGS: drug lord, duterte, Melvin Odicta, odicta, western visayas, drug lord, duterte, Melvin Odicta, odicta, western visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.