Nakahanda si North Korean Leader Kim Jong Un na lumahok sa ikatlong summit kasama si US President Donald Trump.
Ito ay sa kabila ng bigong paghaharap ng dalawang lider sa summit na ginanap sa Hanoi, Vietnam noong Pebrero.
Sa pulong ng kanilang parliamentaryo, sinabi ni Kim na dapat ay mayroon na silang mapagkasunduan ni Trump sa susunod na summit.
Hindi rin nagustuhan ng pinuno ng komunistang bansa ang sangkatutak na demands ng US kapalit ng pagbuwag nila sa kanilang nuclear program.
Aminado si Kim na apektado ang kanilang pamahalaan sa international sanctions na hinirit ng US sa ibang bansa laban sa North Korea.
βThe US said recently that it is thinking again of a third DPRK-US summit and have been strongly implying problem-solving through dialogue, but they continue to ignore the basic way of the new DPRK-US relations, including withdrawing hostile policies, and mistakenly believe that if they pressure us to the maximum, they can subdue us,β dagdag pa ni Kim.
Sinabi pa ni Kim na maayos ang kanilang relasyon ni Trump pero posible itong masira kapag muling naulit ang nangyari sa Hanoi.
Sa kanilang panig, sinabi ng US na dapat ay maging tapat ang North Korea sa kanilang pahayag na wawakasan na nila ang kanilang nuclear program.
Ang pag-uusap ng US at North Korea ay naghatid naman ng kapayapaan sa Korean Peninsula sa nakalipas na ilang taon .