PNP: Kidnapping sa bansa isolated cases lang

By Den Macaranas April 13, 2019 - 03:06 PM

Inquirer file photo

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na walang dapat ipangamba ang publiko partikular na sa antas ng kriminalidad sa bansa.

Reaksyon ito ng PNP sa naging travel advisory ng US State Department sa kanilang mga kababayan sa bansa kaugnay sa umano’y pagtaas ng kaso ng kidnapping.

Partikular na tinukoy sa ulat ang umano’y pagkakaroon ng terrorism activities sa Marawi City at kidnapping sa lalawigan ng Sulu.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP spokesman Col. Bernard Banac na kontrolado ng mga otoridad ang sitwasyon sa bansa.

Bagaman may mga kaso ng kidnapping sa Sulu ito naman ay hindi nagaganap sa iba pang bahagi ng bansa.

Sinabi pa ng tagapagsalita ng PNP na tinutugunan ng mga pulis ang mga reklamong ipinararating sa kanila.

Bukod sa kriminalidad, nakatutok rin ngayon ang PNP sa pagbabantay sa mga lugar na posibleng pagmulan ng gulo kaugnay sa nalalapit na halalan.

Ipinaliwanag ni Banac na umaabot na sa 943 na mga lugar ang itinuturing nilang areas of concern para sa panahon ng eleksyon.

TAGS: banac, Kidnapping, marawi, sulo, usu state department, banac, Kidnapping, marawi, sulo, usu state department

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.