Christmas express bus service, tangkilikin-LTFRB

By Isa Avendaño-Umali December 06, 2015 - 11:26 AM

 

LTFRB busPinayuhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga pasahero ang tangkilikin ang Christmas Express bus service, na nagsimula na ang implementasyon kahapin.

Ayon kay LTFRB chairman Atty. Winston Ginez, layon ng programa na mabawasan ang holiday traffic congestion, sa pamamagitan ng paghimok sa mga private car users na gumamit ng public transport.

Ang Christmas Express bus service ay may tatlong point-to-point destinations sa Metro Manila.

Kabilang sa mga ruta ay mula Trinoma hanggang Park Square, Ayala Center; SM North Edsa hanggang Glorietta 5, Ayala Center at SM Megamall hanggang Park Square, Ayala Center.

Sinabi ni Ginez na aabot sa dalawampung high quality busus ang gagamitin sa programa, upang matiyak ang aniya’y mas maaasahan at kumportableng communiting experience para sa mga mananakay.

Ang pasahe sa non-stop bus services para sa routes A1 at A2 ay nasa 80 pesos lamang, habang ang mga rutang A3 ay kailangan lamang magbayad ng 50 pesos.

 

TAGS: Christmas2015, edsa, ltfrb, Christmas2015, edsa, ltfrb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.