Dating Marawi City mayor arestado makaraang mag-ugnay sa ISIS

Facebook photo

Kinumpirma ng militar na kanilang inaresto si dating Marawi City Mayor Solitario Ali makaraang dumalo sa PDP-Laban political rally sa nasabing lungsod kahapon araw ng Biyernes.

Ang pag-aresto kay Ali ay may kinalaman sa naging bahagi nito sa Marawi siege noong 2017.

Sinabi ni Col. Romeo Brawner, commander of the 103rd Infantry Brigade, na kanilang isinalang sa pagtatanong si Ali kaugnay sa naganap na pananakop ng teroristang grupo sa Marawi City.

Kinumpirma rin ni Brawner na inihahanda na ng Office of the Judge Advocate General ng Armed Forces of the Philippines ang mga kaso laban kay Ali.

Nauna dito ay inaresto rin ang anak ni Ali na si Marawi City Vice Mayor Arafat Salic dahil sa Marawi siege pero iniutos rin ng Department of Justice na pakawalan ito dahil sa ilang teknikalidad.

Ang kapatid ni Ali na si dating Mayor Fajad Salic ay inaresto rin ng militar ilang buwan na ang nakalilipas dahil sa pagkakasangkot sa aktibidad ng ISIS sa nasabing lungsod.

Bago siya nahuli ay sinabi ni Ali na wala siyang kinalaman sa nakaganap na Marawi siege at nakahanda umano siyang harapin ang mga kaso sa hukuman.

Si Ali ay kasalukuyang kandidato sa pagka-alkalde sa Marawi City.

Read more...