2 patay makaraang araruhin ng isang trak ang mga sasakyan sa Taguig City

By Den Macaranas April 13, 2019 - 01:37 PM

Photo: PNP-SPD

Dalawa na ang iniulat na patay samantalang anim naman ang sugatan sa naganap na vehicular accident sa Taguig City, Sabado ng Umaga.

Sa ulat ng Southern Police District Office, naganap ang aksidente sa kahabaan ng C6 Road malapit sa Lakeshore.

Sinasabing nawalan ng preno ang isang 10-wheeler truck hanggang sa masalpok nito ang kasalubong na dalawang jeepney, isang kotse, dalawang motorsiklo at dalawang bisekleta.

Wala pang inilalabas na pangalan ng mga namatay at sugatan ang mga otoridad habang nakikipag-ugnayan na sila sa mga kaanak ng mga ito.

TAGS: c6 vehicular accident, lakeshore, SPD, Taguig City, c6 vehicular accident, lakeshore, SPD, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.