Palawan hahatiin sa tatlong mga bagong lalawigan

By Den Macaranas April 13, 2019 - 10:57 AM

Google map

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na hahati sa Palawan sa tatlong mga lalawigan.

Ayon sa batas na nilagdaan ni Duterte noong April 5 pero kanina lamang isinapubliko ng Malacañang, ang lalawigan ng Palawan ay hahatiin sa talong magkakahiwalay na mga probinsya.

Ang mga ito ay tatawaging Palawan del Norte, Palawan Oriental, at Palawan del Sur.

Nakasaad sa Republic Act 11259, na ang lalawigan ng Palawan del Norte ay bubuuin ng mga bayan ng  Coron, Culion, Busuanga, Linacapan, Taytay at El Nido.

Mga bayan naman ng Roxas, Araceli, Dumaran, Cuyo, Agutaya, Magsaysay, Cayancillo, at San Vicente, ang magiging bahagi ng Palawan Oriental.

Samantalang ang lalawigan ng Palawan del Sur ay bubuuin ng mga bayan ng Aborlan, Narra, Quezon, Rizal, Espanola, Brooke’s Point, Bataraza, Balacbac and Kalayaan.

Magkakabisa ang ansabing batas labinglimang araw makaraan itong mailathala sa Official Gazette o sa mga pahayag na mayroong general at local circulation.

TAGS: duterte, Palawan, Palawan del Norte, Palawan del Sur, Palawan Oriental, Republic Act 11259, duterte, Palawan, Palawan del Norte, Palawan del Sur, Palawan Oriental, Republic Act 11259

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.