5-year old na bata sugatan makaraang itulak sa 3rd floor ng isang mall sa US

By Jimmy Tamayo April 13, 2019 - 10:43 AM

AP

Sugatan ang isang 5-taong gulang na bata makaraang itulak umano ng isang lalaki mula sa ikatlong palapag ng isang mall sa Minnesota USA.

Ayon sa Bloominton Police Department, bandang alas-10:17 Biyernes ng umaga ng makatanggap sila ng report na isang bata ang nahulog mula sa third-floor balcony ng Mall of America.

Pero may mga nakakita sa pangyayari at nagsabing isang lalaki ang nagtulak sa bata.

Mabilis namang rumesponde ang pulisya kaya agad na naaresto ang suspek bago pa makatakas.

Kinilala ang suspek na si Emmanuel Deshawn Aranda, 24-anyos na kinasuhan ng attempted homicide.

Hindi pa matiyak ng pulisya kung kaanak ng bata ang suspek habang patuloy na inaalam kung ano ang kanya motibo sa pagtulak sa bata.

Ang Mall of America ay isang tourist attraction sa syudad ng Bloomington at 40-milyong tao ang bumibisita kada taon.

TAGS: Bloominton Police, Emmanuel Deshawn Aranda, mall of america, minnesota, sears, Bloominton Police, Emmanuel Deshawn Aranda, mall of america, minnesota, sears

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.