Nagbabala ang National Water Resources Board (NWRB) na posibleng umabot sa critical level ang tubig sa Angat Dam sa pagtatapos ng Abril.
Sinabi ng NWRB na umabot na kahapon, araw ng Biyernes sa 187.7 meters above sea level ang tubig sa nasabing dam at ito ay pitong metro na lamang na mas mataas sa 180 meters na itinuturing na critical level.
Umapela rin ang ahensya sa mga residente sa Metro Manila na magtipid sa paggamit ng tubig.
Umaabot sa 96 percent ng tubig na ginagamit ng mga residente sa Metro Manila ay mula sa Angat Dam.
Sa ngayon ay pansamantala munang inihindo ng Angat Dam ang pagbibigay ng tubig sa ilang agricultural land sa Bulacan at Pampanga.
Ipinaliwang ng NWRB na prayoridad ang pagbibigay ng tubig sa mga residente sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.
Nauna dito ay ikinukunsidera na rin ng gobyerno ang pagsasagawa ng cloud seeding sa ibabaw ng Angat Dam para madagdagan ang imbak ng tubig lalo’t umiiral sa bansa ang El Niño.