2 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Cebu City

By Clarize Austria April 13, 2019 - 05:47 AM

Dalawang empleyado ng isang coffee shop ang patay matapos pagbabarilin noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina John Michael Hermoso at Kis Tryvl Ramos.

Ayon kay Police Major Eduard Sanchez, binaril ang dalawa sa loob ng The Good Cup Coffee Company sa Cebu City.

May nakaaway umano si Hermoso bago ang pamamamaril.

Tinitignan naman ng pulisya na maaaring inside job ang pamamaril sa biktima.

Sa panayam naman sa ina ni Ramos, nadamay lamang umano ang kanyang anak sa insidente.

Bukod sa dalawang napatay ay sugatan din ang dalawa pang empleyado ng coffee shop na sina Jerome Amada at Sherwin Rivera.

Kasalukuyan pa ring nagpapagaling si Amada at Rivera sa ospital.

TAGS: 2 patay, 2 sugatan, Cebu City, empleyado ng coffee shop, patay sa pamamar, patay sa pamamaril, 2 patay, 2 sugatan, Cebu City, empleyado ng coffee shop, patay sa pamamar, patay sa pamamaril

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.