Halaga ng pinsala ng El Niño sa Ilocos Norte umabot na sa mahigit P11.5M
Mahigit 11.5 milyon pisong halaga na ng mga pananim sa Ilocos Norte ang nasira dahil sa El Niño.
Ayon sa agriculture office ng Ilocos Norte nasa 11.3 milyon pisong halaga na ang nasirang pananim na palay at mahigit 270,000 naman ang napinsalang pananim na mais.
Ang nasabing mga datos ay mula lamang sa bayan ng Pagudgud at Laoag City.
Inaasahan pang tataas ang halaga ng pinsala ng El Niño kapag nakapagbigay na ng report ang iba pang bayan sa Ilocos Norte.
Ayon kay Ilocos Norte agriculturist Norma Lagmay, inaabisuhan na nila ang mga magsasaka na mag-emergency harvest pero hindi umano ito maganda kung namumulaklak palang ang mga palay dahil hindi pa pwedeng anihin ang mga ito dahil wala pang laman ang mga butil.
Dagdag ni Lagmay sa mga bayan sa silangang bahagi ng Ilocos Norte ay hindi naman umano problema ang irigasyon dahil madami pang tubig at paminsan-minsan din ang nararanasang pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.