2 arestado kabilang ang isang estudyante sa buy bust operation sa Makati
Arestado ang isang estudyante sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Bangkal, Makati City, Biyernes (April 12).
Kasama sa naaresto isang out-of-school youth na kasabwat umano ng naarestong estudyante.
Ayon kay Makati City Police Chief Coronel Rogelio Simon, nasabat sa dalawang suspek ang mahigit 100 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayanh nagkakahalaga ng 1.5 milyon piso at isang kalibre .45 na baril at mga bala na ayon sa estudyante ay ibinenta lamang sa kaniya sa halagang P5,000.
Mahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Maliban sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga ay ipaghaharap din ang mga suspek ng kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition may kaugnayan sa umiiral na gun ban sa ilalim ng Omnibus Election Code.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.