Hindi mandatory sa batas ang Christmas Bonus, ayon sa DOLE.
By Chona Yu December 06, 2015 - 10:37 AM
Walang batas sa Pilipinas na nag-oobliga sa mga employer na bigyan ng bonus ngayong Pasko ang kanilang mga empleyado.
Ayon kay Labor Undersecretary Nicon Fameronag, ang tanging nakasaad sa Labor Code ay ang 13th month pay.
Paliwanag ni Fameronag, maari lamang na makapag-demand ang mga empleyado ng bonus kapag mayroong collective bargaining agreement.
Para sa mga empleyado sa gobyerno, sinabi ni Fameronag na magkakaroon lamang ng Christmas bonus kapag may natipid na pondo ang kanilang tanggapan o ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.