Sampung lugar sa bansa ang nakapagtala ng mataas na heat index o nasa dangerous level.
Kabilang ang NAIA sa Pasay City sa nakapagtala ng mataas na heat index na lumagpas sa 40 degrees Celsius.
Sa inilabas na datos ng PAGASA, ang San Jose City, Occidental Mindoro ang nakapagtala ng may pinakamataas na heat index na 45.3 degrees Celsius.
Ang iba pang lugar na kasama sa nakapagtala ng mataas na heat index ay ang mga sumusunod:
• Amulong, Batangas – 44.4 degrees Celsius
• Sangley Point, Cavite – 43.9 degrees Celsius
• NAIA Pasay City, Manila – 43.7 degrees Celsius
• Butuan City, Agusan Del Norte – 42.7 degrees Celsius
• Casiguran Aurora – 42.7 degrees Celsius
• Guiuan, Eastern Samar – 42.7 degrees Celsius
• Cotabato City, Maguindanao – 42.6 degrees Celsius
• Dipolog City, Zamboanga Del Norte – 41.9 degrees Celsius
• Davao City, Davao Del Sur – 41 degrees Celsius
Samantala sa Port area sa Maynila, 39 degrees Celsius ang naitalang heat index
Habang 39.2 degrees Celsius naman sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.