Suspek sa pagpatay sa 14 anyos na dalagita na natagpuan sa septic tank sa Danao City, sumuko na

By Dona Dominguez-Cargullo April 12, 2019 - 08:38 PM

CONTRIBUTED PHOTO
Sumuko sa mga otoridad ang suspek sa pagpatay sa 14 anyos na si Thesa Marie Ygay, ang dalagita na atagpuan sa loob ng septic tank ng isang paaralan sa Danao City.

Ayon kay Lt. Col. Ismael Gauna, hepe ng Tuburan Police Station, kusang sumuko ang security guard na si Jessie Medequillo, 34 anyos, Biyernes, April 12 ng hapon.

Unang napaulat na nagtatago ang suspek makaraang matuklasan ang katawan ni Ygay noong April 8 na nasa loob ng septic tank.

Mula sa bayan ng Tuburan, ay dadalhin si Medequillo sa Danao City.

Personal na galit ang tinitignang anggulo sa pagpatay ni Medequillo kay Ygay.

Ang katawan ni Ygay ay natagpuan sa septic tank ng Cogon Cruz Integrated School.

TAGS: Danao City, murder case, septic tank, Danao City, murder case, septic tank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.