Hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa campaign rally ng PDP-Laban sa Marawi City, Biyernes, Apr. 12).
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang hindi magandang panahon ang dahilan kaya hindi nakalipad patungong Marawi City ang pangulo.
Nagpahinga na lamang aniya ang pangulo.
Sa hiwalay na pahayag sinabi rin ni PDP-Laban Spokesperson Ronwald Munsayac, na ang hindi magandang panahon ang dahilan kaya hindi nakarating ang pangulo sa campaign rally ng kaniyang partido.
Ani Munsayac, susubukan ng partido na mag-schedule muli ng campaign rally sa Lanao Del Sur.
Tuloy naman ang pagtungo ng senatoriables ng PDP-Laban sa Malaybalay, Bukidnon bukas, araw ng Sabado, Apr. 13.
MOST READ
LATEST STORIES