Kim Chiu ibinida ang bagong achievement makaraang umabot sa 6M ang follower sa Instagram

By Dona Dominguez-Cargullo April 12, 2019 - 08:19 PM

Masayang ibinalita ng Chinita Princess na si Kim Chiu na umabot na ng six-million ang mga follower niya sa Instagram.

Nag-post si kim ng larawan na kuha sa kanyang bedroom at nilagyan niya ang caption na “Happy 6M Everybody.”

Tuwang-tuwa ang kapamilya actress sa bagong milestone sa kanyang buhay at nagpapasalamat sa kanyang mga fans na hanggang ngayon ay sumusuporta sa kanya.

Bukod sa larawan ay nagpost din si Kim ng video para i-celebrate ang bagong achievement sa kanyang career.

Todo papuri din ang kanyang mga follower sa narating na ito ng Chinita Princess.

TAGS: Chinita Princess, IG Followers, Kim Chiu, Radyo Inquirer, Chinita Princess, IG Followers, Kim Chiu, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.