LOOK: 18 bagong aircon units naikabit na sa mga bagon ng MRT-3

By Dona Dominguez-Cargullo April 12, 2019 - 08:17 PM

Naikabit na ang 18 mga bagong airconditioning unit na binili ng pamahalaan para sa MRT-3.

Ang 18 bagong ACUs ay ikalawang batch ng aircon units na binili para sa mga bagon.

Agad itong ikinabit ayon sa Department of Transportation (DOTr) lalo at mainit ang panahong nararanasan ngayon.

Noong October 2018 ay sinimulang ikabit ang unang batch ng 42 ACUs sa mga bagon ng MRT-3.

Natapos ang installation noong November 2018.

Sa kabuuan, 78 ACUs ang binili ng ahensya.

Inaasahang darating ngayong buwan ang nalalabi pang 18 ACUs, na siyang huling batch ng delivery.

TAGS: MRT, new aircon units, Radyo Inquirer, MRT, new aircon units, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.