Pagtaas ng pension ng indigent senior citizens prayoridad ni Sen. Angara

By Jan Escosio April 12, 2019 - 06:41 PM

Tiniyak ni Senator Sonny Angara na isusulong niya ang dagdag sa pensyon ng mga mahihirap na senior citizens.

Sinabi ni Angara dapat madoble o maging P1,000 ang buwanang pensyon na nakukuha ng nakatatanda alinsunod sa iniakda niyang Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Aniya ang dagdag pensyon ay maliit na bagay lang pero pagpapakita ito ng pagbibigay kahalagahan sa mga senior citizens

Sa nabanggit na batas, tiniyak ni Angara na mabigyan ng dagdag benepisyo ang mga senior partikular na ang pagiging exempted sa 12 percent value added tax sa kanilang mga bibilhin.

Kabilang din si Angara sa mga masigasig na mabigyan ng Philhealth coverage ang lahat ng mga senior citizens.

Aniya kapag nakalusot ang kanyang bagong ipapanukala, anim na milyon ang makikinabang.

Base sa mga pagtataya ng Population Commission, may 8.7 milyong Filipino sa ngayon ang may edad 60 pataas at ito ay lolobo sa higit 23 milyon pagsapit ng taon 2050.

TAGS: Radyo Inquirer, Senator Sonny Angara, senior citizens, Radyo Inquirer, Senator Sonny Angara, senior citizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.