Matapos ang pagpapatuloy ng pagdinig ng Muntinlupa RTC Branch 205 sa kaso ni De Lima na may kaugnayan sa droga, sinabi ng abogado nitong si Filibon Tacardong na pumayag na ang RTC Branch 256.
Aniya hinihintay na lang nila ang desisyon ni RTC Branch 205 Judge Liezel Aquitan dahil wala ring pagtutol ang panig ng prosekusyon sa hirit ng senadora.
Una nang hiniling ni De Lima na makalabas siya ng selda sa PNP Custodial Center sa Camp Crame para makaboto nang sabihin ng Comelec na posible naman ito sa pamamagitan ng ‘escorted voting system.’
Sa kanyang hiling sa Comelec, ninais ni De Lima na magkaroon ng polling area sa loob ng kulungan sa Camp Crame ngunit sinabi ng Comelec na ito ay imposible.