Senator Leila De Lima pinayagan ng korte na makaboto sa May 13 elections
Kung mabibigyan ng escorts, maaring makaboto si detained Senator Leila de Lima sa kanyang presinto sa Parañaque City sa Mayo 13.
Matapos ang pagpapatuloy ng pagdinig ng Muntinlupa RTC Branch 205 sa kaso ni De Lima na may kaugnayan sa droga, sinabi ng abogado nitong si Filibon Tacardong na pumayag na ang RTC Branch 256.
Aniya hinihintay na lang nila ang desisyon ni RTC Branch 205 Judge Liezel Aquitan dahil wala ring pagtutol ang panig ng prosekusyon sa hirit ng senadora.
Una nang hiniling ni De Lima na makalabas siya ng selda sa PNP Custodial Center sa Camp Crame para makaboto nang sabihin ng Comelec na posible naman ito sa pamamagitan ng ‘escorted voting system.’
Sa kanyang hiling sa Comelec, ninais ni De Lima na magkaroon ng polling area sa loob ng kulungan sa Camp Crame ngunit sinabi ng Comelec na ito ay imposible.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.