Mga manggagawa sa Ilocos region may P30 na dagdag sahod
Simula sa April 30 ay epektibo na ang P30 na dagdag sahod ng mga minimum wage earner sa Ilocos region.
Ayon kay Nathaniel Lacambra, chairman ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) at regional director ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa dagdag sahod, ang magiging daily minimum wage rate na sa rehiyon ay P340.
Base sa wage order may dagdag na P30 per day ang mga manggagawa na tumatanggap ng P310 daily sa mga establisyimento o kumpanya na 30 o higit pa ang empleyado.
At P25 per day naman ang dagdag ng mga manggagawang tumatanggap ng P285 daily at nagtatrabaho sa mga establiyimento na ang empleyado ay 10 hanggang 29 lamang.
Sa mga kumpanya naman na ang empleyado ay 10 lang pababa, P17 ang dagdag sa kanilang sahod.
Ang dagdag sahod ay matapos ang idinaos na public hearings at board meetings para matukoy ang ibibigay sa mga empleyado na babalanse din sa mga employer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.