China trip ni Senator Honasan pinayagan ng Sandiganbayan

Pinayagan ng Sandiganbayan si Senator Gringo Honasan na magbiyahe sa labas ng bansa.

Sa desisyon ng Sandiganbayan 2nd division pinagbigyan nito ang hiling ng senador na makabiyahe sa Guangdong, China mula April 21 hanggang 27.

Ayon kay Honasan, inimbitahan siya ni Huawei Technologies Inc. Vice President Daniel Guo Zhi na bumisita sa kanilang headquarters sa Shenzhen City.

Inatasan naman si Honasan na maglagak ng P120,00 na travel bond.

Si Honasan ay nahaharap sa kasong graft sa Sandiganbayan dahil sa umano ay maanomalyang paggamit ng kaniyang pork barrel fund na nagkakahalaga ng P29.2 million noong 2012.

Read more...