Nagtapos na ang taunang Balikatan exercises sa pagitan ng tropa ng Armed Forces of the Philippines at US forces.
Idinaos ang seremonya para sa pagtatapos ng Balikatan sa Camp Aguinaldo Sa Quezon City.
Ang Balikatan ay nagsimula noong April 1 at binuo ng 28 major combined/joint interoperability events na layong mapalakas pa ang galing at kakayahan ng mga sundalo sa counterterrorism, amphibious operations, live-fire, urban operations at aviation operations.
Ayon kay Lt. Gen. Gilbert I. Gapay, commander ng AFP Southern Luzon Command at nagsilbing Philippine Exercise Co-Director, malaking tulong sa AFP at U.S. Armed Forces ang mga ginawang pagsasanay sa Balikatan 2019.
Maliban sa mga pagsasanay ay kinapalooban din ng humanitarian at civic assistance at community relations ang Balikatan ngayong taon.
Kabilang dito ang renovation projects sa ilang elementary schools, one-day veterinary at medical clinics, friendship visits sa mga paaralan at orphanages, at multi-day mental health conference.
Ang Balikatan ngayong taon ay nilahukan din ng Australian Defence Force.
Ito na ang ika-35 pagdaraos ng Balikatan at nakatakda namang simulan na ang paghahanda para sa Balikatan exercise sa susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.