Abu Sayyaf leader, 8 iba pa, patay sa Sagupaan sa Sulu

By Dona Dominguez-Cargullo April 12, 2019 - 03:03 PM

Patay ang siyam na miyembro ng Abu Sayyaf kabilang ang isang sub-leader sa engkwentro sa mga sundalo sa Patikul, Sulu.

Sa pahayag ng Joint Task Force Sulu, nasawi sa engwkentro si ASG sub-leader Julie Ikit na pinsan ni Radullan Sahiron.

Aabot sa 120 mga bandido ang naka-engwentro ng mga tauhan ng 32nd infantry battalion Huwebes (Apr. 11) ng umaga.

Tumagal ng 42-minuto ang palitan ng putok.

Nasundan pa ang sagupaan hanggang hapon ng Huwebes.

Maliban sa mga nasawi sa panig ng mga bandido ay mayroon ding 19 na nasugatan.

Noong nakaraang linggo, tatlong sundalo ang nasawi sa engkwentro din sa Abu Sayyaf sa Patikul.

TAGS: encounter, Patikul, Radyo Inquirer, Sulu, encounter, Patikul, Radyo Inquirer, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.