8 patay, 16 sugatan sa pagsabog sa palengke sa Pakistan

By Dona Dominguez-Cargullo April 12, 2019 - 02:52 PM

Patay ang 16 na katao habang sugatan ang 30 iba pa sa pagsabog na naganap sa isang palengke sa Pakistan.

Nangyari ang insidente sa fruit market sa southwestern city na Quetta.

Kabilang sa mga biktima ay walong katao na mula sa ethnic Hazaras, gayundin ang isang security official at isang trabahador sa palengke.

Ayon sa mga otoridad, matao ang lugar ng mangyari ang pagsabog dahil oras iyon ng pagdating mga panindang ibinabagsak sa palengke.

Wala pa namang grupong umaako sa pagsabog.

Iniimbestigahan na rin kung anung klase ng bomba ang ginamit.

TAGS: 8 dead, Explosion, fruit market, pakistan, 8 dead, Explosion, fruit market, pakistan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.