Annulment ng kasal nina Sunshine Cruz at Cesar Montano pinagtibay ng korte

By Jimmy Tamayo April 12, 2019 - 02:40 PM

Pinagtibay ng Quezon City Regional Trial Court ang pagpapawalang bisa sa kasal nina Cesar Montano at Sunsine Cruz.

Sa dalawang pahinang desisyon ng QCRTC Branch 106 ibinabasura nito ang Motion for Reconsideration na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) na humihiling na baligtarin ang naunang desisyon ng korte na i-nullify ang kasal nina Montano at Cruz.

Noong September 17, 2018 nang unang maglabas ng desisyon ang korte na pumapabor sa inihaing ‘annulment of marrige’ ni Cruz pero naghain ng MR ang OSG base sa mandato nila partikular sa mga high profile cases.

Ikinatuwa naman ni Sunshine ang desisyon ng korte.

Sa kanyang social media account ibinulalas ng aktres ang “Thank you Lord! …“Finally! Totoo na talaga!

Iginiit pa ni Sunshine na limang taon ang kanyang hinintay para sa nasabing kaso.

Sina Sunshine at Cesar ay nagkaroon ng tatlong anak na babae.

TAGS: annulment case, Cesar Montano, Radyo Inquirer, Sunshine Cruz, annulment case, Cesar Montano, Radyo Inquirer, Sunshine Cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.