Presyo ng produkto petrolyo tataas na naman sa susunod na linggo

By Dona Dominguez-Cargullo April 12, 2019 - 02:27 PM

Bad news muli sa mga motorista…

Isa na namang oil price increase ang posibleng ipatupad ng mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Base kasi sa nagdaang apat na araw ng trading, nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.

Sa pagtaya ng kumpanyang Jetti, maaring umabot sa 70 centavos ang madagdag sa presyo ng diesel at 90 centavos naman sa presyo ng gasolina.

Maari pa namang mabago ang halagang ito depende sa magiging resulta ng trading ngayong araw.

Sa Martes magiging epektibo ang panibagong dagdag presyo sa produktong petrolyo.

TAGS: diesel, gasoline, oil price, oil price hike, diesel, gasoline, oil price, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.