Sa loob ng 24 na oras, 130 suspek sa iba’t ibang krimen naaresto sa Laguna

By Dona Dominguez-Cargullo April 12, 2019 - 02:15 PM

Naaresto sa Laguna ang aabot sa 130 mga suspek sa iba’t ibang mga krimen sa loob lamang ng 24 na oras.

Ayon kay Laguna police spokesperson Police Major Jojo Sabeniano, 83 sa 130 na suspects ay pawang sangkot sa ilegal na droga.

Nadakip ang mga suspek sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa iba’t ibang munisipalidad at lungsod sa Laguna.

Sa nasabing operasyon, isang suspek lang ang nasawi matapos manlaban sa mga pulis na aaresto sa kaniya.

Kinilala itong si Reynaldo Genapaga ng Barangay San Antonio, Biñan City.

Nakuha kay Genapaga ang kalibre 38 na baril at anim na sachet ng hinihinalang shabu.

Sa kabuuan ng operasyon umabot sa P182,900 na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga pulis.

May mga naaresto din nang dahil sa pagsusugal, illegal possession of firearms at iba pang paglabag.

TAGS: 130 arrested, crimes, laguna, police operations, 130 arrested, crimes, laguna, police operations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.