Kennon Road bubuksan na sa mga motorista mula mamayang gabi

By Dona Dominguez-Cargullo April 12, 2019 - 02:08 PM

Bubuksan na sa mga motorista ang Kennon Road mula mamayang gabi.

Sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH), mula alas 6:00 ng gabi (Apr. 12) bubuksan na ang
two-way traffic ng kalsada. Mananatili itong bukas hanggang sa April 22, 2019 araw ng Lunes.

Ito ay dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga motorista patungong Baguio City simula ngayong weekend at pag-uwi ng mga ito pagkatapos ng Holy Week.

Paalala naman ng DPWH, tanging light vehicles lamang na ang bigat ay 5 tons pababa ang maaring dumaan sa Kennon Road.

Ang malalaking sasakyan ay pinapayuhang gamitin ang ibang alternatibong ruta.

Maari ding ipag-utos ng Task Force Kennon ang pagsasara muli ng kalsada anumang oras sakaling magkaroon ng insidente na maaring magdulot ng peligro sa mga motorista.

TAGS: DPWH, Kennon Road, DPWH, Kennon Road

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.