LOOK: NCRPO Chief Eleazar nagsagawa ng inspeksyon sa bus terminals sa Cubao

By Dona Dominguez-Cargullo April 12, 2019 - 01:15 PM

NCRPO Photo
Bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga bus terminal, nag-inspeksyon sa Cubao, Quezon City si National Capital Region Police Office chief, Police Major General Guillermo Eleazar.

Pinuntahan ni Eleazar ang mga terminal ng bus sa Cubao.

Inalam din nito ang kahandaan ng mga security guard sa pagpapatupad ng seguridad para sa mga pasaherong dadagsa upang umuwi sa mga lalawigan.

Kasabay nito ay pinaalalahanan ni Eleazar ang mga pasahero na makiisa sa ipinatutupad na security measures ng mga otoridad.

Base sa inilabas na safety tips ng PNP para sa mga pasahero ay pinapayuhan sila na:

– Dumating ng maaga sa mga terminal lalo na kung may kasamang nakatatanda at mga bata
– Tiyaking dala ang tickets at pasaporte
– Iwasan ang pagsusuot ng mga alahas
– Bantayan ang mga personal na gamit
– Maging alerto laban sa snatchers
– Iwasan ang pagdadala ng sobrang daming gamit.

TAGS: bus terminals, Cubao, Gen Guillermo Eleazar, Holy Week, inspection, NCRPO, quezon city, bus terminals, Cubao, Gen Guillermo Eleazar, Holy Week, inspection, NCRPO, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.