80,000 pulis magbabantay sa buong bansa sa Holy Week

By Dona Dominguez-Cargullo April 12, 2019 - 10:35 AM

Aabot sa hanggang 80,000 mga pulis ang magbabantay sa buong bansa sa Holy Week.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni PNP chief, Gen. Oscar Albayalde kasama sa nasabing bilang ang mga ‘tourist police’ na magtitiyak ng seguridad ng mga turistang magbabakasyon.

Maraming regional police office na rin ang nakataas ang alerto ngayon lalo na sa mga lugar na dinarayo ng mga lokal at dayuhang turista.

Ani Albayalde ang mga tourist police ay sinanay ng Department of Tourism (DOT) para maitalaga sa tourist destination sa bansa.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Albayalde ang mga bakasyunista na pag-ingatan ang kanilang mga personal na gamit.

Ito ay upang maiwasan aniya na mabiktima sila ng mga mananalisi lalo na sa mga beach na napakaraming tao.

Bago pa ang pagsapit ng Holy Week nag-ikot na si Albayalde sa iba’t ibang lugar sa bansa para masiguro ang kahandaan ng mga pulis sa ipinatutupad na Oplan Sumvac 2019.

TAGS: Holy Week, PNP, security measure, summer vacation, Holy Week, PNP, security measure, summer vacation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.