Ito ay dahil magpapatuloy ang pagsasaayos ng Globe sa kanilang mga pasilidad at magdudulot ito ng problema sa serbisyo.
Ayon kay kay Globe Senior Vice President for Corporate Communications Yolanda Crisanto, may mga interruptions na mararanasan sa iba’t ibang mga lugar bilang bahagi ng kanilang upgrading.
Kabilang dito ang pagsaayos at pagapapalit ng pasilidad sa kanilang cell sites.
Sa mga rural areas aniya ito at gagawin sa mga barangay at hindi naman pagsasabay-sabayin.
Pero ani Crisanto, maaring tumagal ng hanggang 4 na oras ang service interruption sa lugar na maaapektuhan.
Ayon kay Crisanto dahil scheduled network maintenance naman ito, ang mga maaapektuhang customer ay makatatanggap ng text sa kung gaano katagal ang outage na mararanasan.