Pag-upgrade sa pasilidad magdudulot ng service interruption sa mga subscriber ng Globe

By Dona Dominguez-Cargullo April 12, 2019 - 09:41 AM

Nagpa-abiso na ang Globe sa mararanasan pang service disruptions sa mga susunod na araw ng kailang mga subcriber.

Ito ay dahil magpapatuloy ang pagsasaayos ng Globe sa kanilang mga pasilidad at magdudulot ito ng problema sa serbisyo.

Ayon kay kay Globe Senior Vice President for Corporate Communications Yolanda Crisanto, may mga interruptions na mararanasan sa iba’t ibang mga lugar bilang bahagi ng kanilang upgrading.

Kabilang dito ang pagsaayos at pagapapalit ng pasilidad sa kanilang cell sites.

Sa mga rural areas aniya ito at gagawin sa mga barangay at hindi naman pagsasabay-sabayin.

Pero ani Crisanto, maaring tumagal ng hanggang 4 na oras ang service interruption sa lugar na maaapektuhan.

Ayon kay Crisanto dahil scheduled network maintenance naman ito, ang mga maaapektuhang customer ay makatatanggap ng text sa kung gaano katagal ang outage na mararanasan.

TAGS: data service, Globe, network service, data service, Globe, network service

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.