Resulta ng SWS survey na nagsasabing very good and performance ng pangulo kaduda-duda

By Erwin Aguilon April 12, 2019 - 08:56 AM

Hindi kumbinsido si Anakpawis Rep. Ariel Casilao sa pinakahuling resulta ng Social Weather Stations survey na nagsasabing “very good” pa rin ang performance ni Pangulong Rodrigo Duterte at tumaas sa +66 ang kanyang net satisfaction rating.

Ayon kay Casilao, bagama’t kinikilala nila ang trabaho ng mga taga-SWS ay hindi sila kumpiyansa sa resulta nito dahil sa maraming isyung kinakaharap ng bansa.

Una rito ay ang pagpatay sa mga magsasaka sa gitna ng kawalan ng lupang sakahan habang sa siyudad ay malala ang unemployment, pagtaas ng presyo ng bilihin at krisis sa suplay ng tubig.

Kabilang rin anya sa ikinagagalit ng mamamayan ay ang patuloy na pambubully at pang-aangkin ng China sa West Philippine Sea pati na ang pinasok na loans para sa Chico River Pump Irrigation project.

Maaari anyang hindi naisama ng SWS sa mga respondents ang marginalized sectors at iba pang apektadong grupo kaya ganoon ang naging resulta.

Sa inilabas na resulta ng SWS survey ang net satisfaction rating ng pangulo para sa unang quarter ng 2019 ay mas mataas nang 6 percentage points kumpara sa +60 noong Disyembre.

TAGS: president duterte, satisfaction rating, SWS, president duterte, satisfaction rating, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.