LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, Apr. 12

Muling nabawasan ang water level sa karamihan ng mga dam sa Luzon habang wala namang pagbabago sa water level ng La Mesa dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Biyernes, April 12, nasa 187.70 meters ang water level sa Angat dam.

Mas mababa ito kumpara sa 188.16 na water level nito kahapon.

Samantala, kapwa hindi naman nabawasan ang water level ng Ipo at La Mesa dam na nanatili sa 101 meters at 68.48 meters ang water level.

Ang Magat dam ay bahagyang nadagdagan ang water level.

Habang pawang nabawasan naman ang antas ng tubig sa Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams.

Read more...