Sumukong suspek sa pagpatay kay Silawan sinabing natutunan niya sa online videos ang ginawa sa dalagita

By Dona Dominguez-Cargullo April 12, 2019 - 08:02 AM

Isinalaysay ng sumukong suspek sa pagpatay kay Christine Lee Silawan kung paano niya ginawa ang krimen.

Ayon kay Renato Llenes, gumawa siya ng pekeng Facebook account para maka-chat si Silawan hanggang sa maging magka-sintahan sila sa pamamagitan lang ng chat.

March 10 nang magkita ni Silawan sa Lapu-Lapu City pero nagkaroon sila ng pagtatalo matapos mabuking ng dalagita na ang kaniyang naging boyfriend sa chat ay may edad na at gumamit ng pekeng pangalan at larawan.

Ayon kay Llenes, gumamit siya ng gunting sa pagsaksak kay Silawan at pagbalat sa mukha nito.

Binanggit din nitong natutunan niya ang pagbalat sa mukha sa pamamagitan ng panonood ng video sa Youtube at Facebook.

Ayon kay Llenes, naawa siya sa 17 anyos na suspek na unang inaresto dahil sa kaso kaya nagpasya na siyang lumantad.

TAGS: cebu, Christine Lee Silawan murder, Lapu-Lapu City, murder case, Radyo Inquirer, suspect, cebu, Christine Lee Silawan murder, Lapu-Lapu City, murder case, Radyo Inquirer, suspect

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.