4 na suspek arestado sa buy-bust operation sa Makati

Sa Makati, arestado ang apat na drug suspects sa ikinasang operasyon ng mga otoridad.

Isang lalaki na hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang target ng operasyon sa Brgy. Tejeros.

Pero nadatnan din sa lugar ang tatlo pang kasabwat nito.

Nakuhanan ang apat na suspek ng 30 sachet ng hinihinalang shabu at bala para sa kalibre 22 na baril.

Maliban sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga ay ipaghaharap din ang mga suspek ng kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition may kaugnayan sa umiiral na gun ban sa ilalim ng Omnibus Election Code.

Read more...