Mag-ama, 12 iba pa arestado sa sinalakay na drug den sa Cavite

By Dona Dominguez-Cargullo April 12, 2019 - 07:44 AM

Sinalakay ng mga pulis ang isang compound sa Bacoor City na pinaniniwalaang ginagamit bilang drug den.

Ayon kay Police Lt. Col. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor City Police, tatlong drug den ang nadatnan nila sa Green Valley, Barangay Molino III.

Nadakip ang 14 na katao kasama ang mag-ama na sinasabing nagpapatakbo ng drug den.

Ayon kay Cabatingan aabot sa P70,000 ang halaga ng mga hinihinalang shabu ang kanilang nasabat.

Matagal na aniyang sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga ang ama at ang mga parokyano nito ay hindi lang mga taga-Bacoor kundi maging saiba bayan sa Cavite.

Nadiskubre ding may ibinubugaw na mga babae sa drug den kapalit ng paggamit ng shabu.

Isang 19 anyos na dalaga ang kasamang nadatnan sa lugar na ipinambabayad ng parokyano para makagamit siya ng ilegal na droga.

TAGS: 14 arrested, Bacoor Cavite, drug den, Radyo Inquirer, 14 arrested, Bacoor Cavite, drug den, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.