6 arestado sa operasyon kontra ilegal na droga sa Pasay

April 12, 2019 - 06:58 AM

Arestado ang anim na katao sa magkasunod na operasyon na ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang barangay sa Pasay City.

Unang sinalakay ng PDEA ang isang bahay na ginagawang drug dens a Barangay 194.

Sa bisa ng search warrant, naaresto doon ang 5 katao kung saan aabot sa 30 gramo ng shabu ang nakumpiska.

Sunod namang nadakip ng PDEA ang isang ginang na dati nang nakulong sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Nakuhanan naman ng 15 gramo ng shabu ang ginang.

Tinatayang aabot sa P300,000 ang halaga ng mga nakumpiskang illegal na droga.

Sasampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

TAGS: arrested, buy bust, Pasay City, War on drugs, arrested, buy bust, Pasay City, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.