Barangay captain patay sa pamamaril sa Negros Oriental; 2 iba pa sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo April 12, 2019 - 06:54 AM

Patay matapos pagbabarilin sa loob ng kaniyang opisina ang isang kapitan ng barangay sa Negros Oriental.

Tatlong hindi nakilalang suspek ang namaril kay Samuel Ragay, kapitan ng Barangay San Pedro sa bayan ng Santa Catalina.

Pinasok si Ragay sa loob ng kaniyang opisina Huwebes (Apr. 11) ng umaga at saka doon binaril.

Base sa inisyal na imbestigasyon, pumasok ang mga suspek sa barangay hall at inutusang dumapa ang mga tao at saka pinagbabaril si Ragay.

Dalawa naman ang nasugatan sa insidente matapos matamaan ng stray bullets kabilang si Nenfa Herosa na barangay treasurer at isang Lorna Vingcoy.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at tinutugis na ng mga otoridad ang mga suspek.

TAGS: ambush, Negros Oriental, Radyo Inquirer, ambush, Negros Oriental, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.