Mainit na panahon mararanasan pa rin sa bansa; heat index sa Metro Manila maaring umabot sa 39 degrees Celsius

By Dona Dominguez-Cargullo April 12, 2019 - 06:38 AM

AP Photo
Apektado pa rin ng Easterlies ang malaking bahagi ng bnsa.

Ayon sa PAGASA, ang MIMAROPA, Visayas at Mindanao ay makararanas ngayong araw ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan at thunderstorms.

Ang Metro Manila naman at ang nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makararanas din ng bahagyang maulap na papawirin na may isolated na mga pag-ulan.

Babala naman ng PAGASA mainit at maalinsangang panahon pa rin ang mararanasan sa bansa ngayong araw.

Ang agwat ng temperatura sa Metro Manila ay nasa pagitan ng 23 hanggang 31 degrees Celsius pero ang heat index ay maaring pumalo ng 38 hanggang 39 degrees Celsius.

TAGS: heat index, Metro Manila, Radyo Inquirer, weather, heat index, Metro Manila, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.